Museo De La Salle: Ang Paglalakbay
Etong museo na ito ay naidiskubre ni St. Museo de la Salle sa kanyang panahon. Labing limang taon na ang nakakalipas magmula nang itayo ang istraktura ng museo ngunit pitong pu't limang taon mahigit ang tantsya ng mga gamit at muwebles sa loob nito. Hinalintulad sa sinaung bahay ng pilipino ang museo at ang bawat cuarto doon ay may kanya-kanyang layunin. Maraning lugar dito ang nagpapakita ng kahusayan at pagiging madiskarte ng mga sinaunang pilipino, isa sa mga halimbawa dito ay ang Aljibe, o ang rainwater system na ginagamit nila.
Itong museo ay nagpapakita ng pamumuhay ng mga sinaunang pilipino, ang kanilang kinaugalian, at ang mga tradisyon ng ating mga ninuno. Ang mga tao ay nakakalimutan na ang sinaunang pilipinas at ang mga tradisyong kasama nito. Mas gugustuhin nilang ubusin ang kanilang oras sa paglalaro ng mga gadgets at mga electronics kaysa sa mamasyal sa mga museong tulad nito.
Hinihikayat ko kayo na mamasukan at mamasyal sa loob ng Museo de la Salle. Ito ay magiging isang napakagandang karanasan na madadala nyo sa panghabang buhay. Para kayong naglalakbay pabalik ng oras, kung kailan ginagamit pa ang silia de servicio, kung kailan may almario pang nakalagay sa paanan ng higaan ng mag-asawa, at kung saan may sarili pang despacho ang padre de pamilya ng bahay.
Ang pagdadalaw dito sa museong ito ay hindi lamang makakatulong sainyo kung di makakatulong rin ito sa amin; hindi lamang ito isang masayang karanasan kung hindi ito rin ay nakakapagturo sa inyo ng mga impormasyong hindi ninyo alam tungkol sa pamumuhay ng ating mga ninuno. Kaya, halina't puntahan nyo na ito!
-- Dianne Amparo --
-- Dianne Amparo --
No comments:
Post a Comment