Isang mahalagang parte ng ating kasaysayan ang mga naggagandahang
kagamitan na ginamit ng ating mga ninuno. Naipapakita ng mga kagamitan na ito
ang kagalingan nating mga pilipino, umuusbong din ang ating kultura at
kasaysayan dahil sa mga artipaktong ito. Kaya gumawa tayo ng isang istraktura
upang mapanatili ang kagandahan ng mga artipaktong ito, tinawag ang mga
istrakturang ito na “Museo”. Sa blog na ito ihahayag ko sa inyo ang isang museo
sa Dasmarinas na nagpapanatili ng kultura at kasaysayan ng lugar na iyon. Dati
itong bahay ng isang nakaaangat at magara na pamilya, punong puno ng
naggagandahang mga kagamitan at ornamyento na sa panahong ito nagkakahalaga ng
iilang libong piso. Lumipas ang mga dekada at sa kasalukuyan isa na itong museo
na nagaalaga sa mga kagamitan ng bahay upang mapanatili ang kagandahan,
kultura, at kasaysayan ng bahay.
Makikita pa lang sa labas ng museo ang maganda nitong pagkakayari,
masasabi kong habang tumatanda ang bahay na iyon mas lalong naiipakita ang kagandahan
at ang mahusay na pagkakayari nito. Pagpasok sa museo mabubulaga ka sa
karangyaan nito, mga kagamitang na ilan taong gulang na, mga ornamyentong
galing pa sa iba’t ibang lugar. Sasamahan ka ng mga tourguides na magtuturo sa
inyo ng kasaysayan ng museo. Pagtaas mo sa hagdan na tinatawag na “escalera
mayor” na pinapalibutan ng mga “Taclob Shells”, mamamangha ka sa pagtaas mo
dahil agad mong makikita ang magara at napkaganda na aranya, kumikinam at
nakakaagaw pansin. Ang taas ay may mga disenyo ng mga kulay oro upang maipakita
nito ang mainit na pagtanggap ng museo sa mga bisita. Hinahati ang bawat parte
ng bahay ng “Calado” upang magkaroon ng maayos na espasyo ang bawat parte ng bahay.
Habang ginagabayan ka ng tourguide papunta sa mga kwarto magbibigay sila ng mga
impormasyon upang mas lumawak ang inyong kaalaman sa museo. Mararating niyo ang
isang silid na tinatawag na “Despacho” isa sa mga pinakaimportante na parte ng
bahay na bato, pinamamahalaan ng maestro ng tahanan. Mapapansin sa silid na ito
ang iba’t ibang pinreserba na hayop at mga dingding na puno ng mga disenyo na
mismo kamay ang pinanggamit sa pagpinta. Marami ka pang makikita na mahahalaga
na silid katulad ng Sandoval, orotoryo (altar sa loob ng bahay na ginagamit sa
ibat ibang mahahalaga na pagtitipon),Cuarto de Senorita, Sala Mayor o Sala de
Baile kung saan nagtitipon ang mga bisita at dito rin ginaganap ang mga
panliligaw sa mga naggagandahang binibini, Comodor (kung saan nagsasalosalo ang
pamilya), Cocina o Kusina na saan ginaganap ang pagluluto, ito na rin ang silid
ng mga naninilbihan sa bahay.
Pagkatapos libutin ang kalooban ng museo lalabas naman tayo papunta sa
“Azotea” kung saan hinuhugasan ang mga pinggan at nagsasampay ng mga damit.
Bukod sa paghuhugas at pagsasampay may mga halaman din doon na naggagandahan.
Ginamit rin iyon kung gusto ng mga nakatira doon na mamahinga at uminom ng tsaa
sa hapon. Nandoon din sa labas ang napakagandang hardin na puno ng iba;t ibang
halaman. Mapapansin ninyo roon ang mga bote ng alak na sumisimbolo ng yaman ng
mga dating nakakaangat na pamilya.
Sa pagbabasa ninyo ng blog na ito maaring maisipan niyo na dumayo sa
Dasmarinas at bisitahin ang Museo. Mapapangako ko sa inyo na marami kayong
makukuhang kaalaman at mas lalo kayong magiging pamilyar sa kasaysayan ng ating
nakaraan. Mamamangha kayo sa kagandahan at karangyaan ng museo, mga iba’t ibang
ornamyento na magbibigay ng interes sa inyo. Hinihikayat ko kayo na bisitahin
ang museo dahil marami kayong matututunan at mas lalo ninyong bibigyang halaga
ang nakaraan ng ating bansa. Siguradong masisiyahan ka sa museo, mararamdaman
ninyo ang kasaysayan ng museo, gagabayan kayo ng mga tourguides na magbibigay
sa inyo ng maraming impormasyon at kasiyahan.
-Stefan R. Alcantara-